Kinatagpo kahapon sa Bangkok ni Punong Ministrong Prayuth Chan-ocha ng Thailand ang dumadalaw na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na si Meng Jianzhu, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa pag-uusap, sinabi ni Meng na sa ika-40 anibersaryo ngayong taon, ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Thailand, para pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas, pahigpitin ang estratehikong diyalogo, at pasulungin ang pagtutulungan sa larangan ng daambakal, kabuhayan at kalakalan, enerhiya, edukasyon, at iba pa.
Sinabi ni Meng na batay sa kasalukuyang mabisang pagtutulungang panseguridad ng Tsina at Thailand sa Mekong River, inaasahang itatatag ng dalawang panig ang komprehesibong mekanismong pangkooperasyon para magkasamang harapin ang hamon mula sa kalagayang panseguridad sa daigdig at rehiyon.
Ipinahayag naman ni Prayuth Chan-ocha ang pasasalamat sa suportang ibinibigay ng Tsina sa usapin ng reporma at pag-unlad ng Thailand. Aniya pa, positibong makikisangkot ang Thailand sa konstruksyon ng Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa Ika-21 Siglo na itinaguyod ng Tsina. Dagdag pa ng Thai PM, pupulot ng karunungan ang Thailand sa mga administratibong karanasan ng Tsina, at ibayo pang pahihigpitin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa larangang panseguridad.