Ayon sa datos na ipinalabas ng KASIKORNBANK ng Thailand, ang kooperasyon ng Tsina at Thailand sa daambakal ay makakabuti sa pag-unlad ng kabuhayan ng Thailand.
Ayon sa memorandum na nilagdaan kamakailan ng Tsina at Thailand sa kooperasyon sa daambakal, magkakasamang itatayo ng dalawang bansa ang isang mahigit 800 kilometrong daambakal na mula Nong Khai hanggang Map Ta Phut ng Thailand.
Ayon sa KASIKORNBANK, ang naturang daambakal ay magpapahigpit ng ugnayan ng Thailand at mga karatig na bansa. Bukod dito, ito rin ay makakabuti sa pagbangon ng kabuhayan ng bansang ito, transportasyon, kapaligiran ng pamumuhunan at kondisyon ng turismo at pangaraw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.