Dumalaw sa bansang Hapon kamakalawa si Prayuth Chan-ocha, Punong Ministro ng Thailand. Nag-usap kahapon si Prayuth Chan-ocha at PM Shinzo Abe ng Hapon, at ipinalabas nila ang magkasamang pahayag.
Ipinahayag ni Shinzo Abe na mas malawak na makikisangkot ang Hapon sa konstruksyon ng imprastruktura ng Thailand, at ibabahagi ang maunlad na teknolohiya ng Hapon sa Thailand. Pagkatapos ng pag-uusap, nilagdaan ng dalawang panig ang Memorandum of Understanding o MOU bilang economic cooperation partners at idinaos ang magkasanib na preskon.
Salin:Sarah