Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya na ang pagpapalakas ng militar na puwersa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa rehiyon malapit sa Rusya ay nagbabanta sa seguridad ng kaniyang bansa.
Sa isang news briefing nang araw ring iyon, sinabi ni Lukashevich na hindi itinuturing ng Rusya ang NATO bilang kalaban, pero, ang mga kapasiyahan at aksyong ginawa ng NATO ay nagbabanta sa seguridad ng Rusya, Europa at Atlantic.
Aniya, noong Setyembre ng taong nakalipas, pinagtibay ng NATO ang isang serye ng kapasiyahan: halimbawa, pagpapalakas ng militar na puwersa, pagpapalaki ng bilang ng mga tropang nakatalaga sa Silangang Europa, pagpaparami ng mga pagsasanay-militar sa rehiyon malapit sa Rusya at iba pa. At sa kasalukuyan isinasagawa ang nasabing mga kapasiyahan, kaya, ikinababalisa ito ng Rusya hinggil dito.
Noong ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre ng taong nakalipas , idinaos ang Summit ng NATO sa Newport ng Britanya. Ipinahayag ni Jens Stoltenberg, Pangkalahatang Kalihim ng NATO na nagsisikap ang NATO na makipagtutungan sa Rusya, pero, dapat magsagawa ang Rusya ng maliwanag na aksyon.
salin:wle