Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na isasagawa ng kanyang bansa ang angkop na anti-sanction measure bilang reaksyon sa ekspansyon ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) sa Silangang Europa.
Ipinahayag ni Lukashevich na ang posibleng ekspansyon ng NATO sa Silangang Europa sa hinaharap ay hindi lamang hahantong sa pagbabago ng kalagayang militar at pulitika ng Europa, maging ng buong daigdig, kundi makakaapekto rin sa seguridad at kapakanan ng Rusya. Kaya, sapilitang isasagawa aniya ng Rusya ang kinakailangang anti-sanction measure.
Aniya, ipinalalagay ng Rusya na ang pagtungo ng Ukraine sa NATO sa larangan ng suliraning panloob at diplomasya ay hindi makakabuti sa paglutas sa krisis ng Ukraine, sa halip, hahantong ito sa pagsadlak ng Ukraine sa mas malubhang krisis na pulitikal at pangkabuhayan.
Salin: Vera