Ipinahayag ngayong araw ni Lv Xinhua, Tagapagsalita ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, na palagiang naninindigan ang Tsina na dapat magkakapit-bisig na bigyang-dagok ng komunidad ng daigdig ang terorismo. Noong isang taon, ginawang pangunahing target ng mga kinauukulang departamento ng Tsina ang pagbibigay-dagok sa mga aktibidad ng teroristikong organisasyon na "East Turkistan Islamic Movement (ETIM)," at puspusang pinasulong ang kooperasyon sa mga kapitbansa sa Timog Asya, Gitnang Asya, at Timog-silangang Asya, sa aspekto ng paglaban sa terorismo.
Si Lv Xinhua, Tagapagsalita ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 CPPCC
Winika nito ni Lv sa new briefing ng naturang sesyon kaninang hapon sa Great Hall of the People. Aniya, hanggang sa kasalukuyan, itinatag ng Tsina ang mekanismo ng kooperasyon sa paglaban sa terorismo sa mahigit 10 bansa, at nagsagawa sila ng substensiyal na kooperasyon sa mga larangang gaya ng pagpapalitan ng impormasyong may kinalaman sa terorismo, pagsusuri sa impormasyon, konstruksyon ng kakayahan at iba pa.
Salin: Vera