Bubuksan bukas ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Dadalo rito ang mahigit 2,000 kinatawan mula sa iba't-ibang lugar ng bansa para magkakasamang talakayin ang hinggil sa patakaran ng pag-unlad ng bansa.
Idinaos kaninang umaga ang news briefing ng nasabing sesyon. Sinagot ni Fu Ying, Tagapagsalita ng Sesyong ito, ang mga tanong ng mga mamamahayag na Tsino at dayuhan tungkol sa mga maiinit na isyung gaya ng paglaban sa korupsyon, pangangalaga sa kapaligiran, badyet ng tanggulang bansa, at pagpapalalim ng reporma.
Salin: Li Feng