Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kung kayo ay ipinanganak sa Taon ng Baboy, narito ang inyong kapalaran sa taong ito

(GMT+08:00) 2015-03-06 11:51:26       CRI

Taon ng Baboy: 1911, 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007

Ang mga baboy ay itinuturing na masuwerteng hayop sa horoscope na Tsino, at ayon sa 5 Elementong Teorya ng Tsina, ang mga baboy ay nabibilang sa Grupong Tubig.

May 2 masuwerteng dragong bituwin na lumabas ngayong 2015, at ito ay magandang pangitain para sa mga estudyanteng ipinanganak sa Taon ng Baboy. Magkakaroon sila ng matataas na marka ngayong Taon ng Yang.

Karera: Ang mga ipinanganak sa Taon ng Baboy ay nabibilang sa Grupong Tubig, at ang mga ipinanganak naman sa Taon ng Yang ay nabibilang sa Grupong Lupa. Sa horoscope na Tsino, ang lupa ay masuwerte para sa tubig, kaya ang 2015 ay ang masuwerteng taon para sa pag-unlad ng karera ng mga ipinanganak sa Taon ng Baboy.

Para sa mga ipinanganak sa taong ito, mahahanap ninyo ang tamang trabaho, at makukuntento sa inyo ang inyong kompanya. Kung mayroon namang inaayos na proyekto, mag-eenjoy kayo rito. Possible ring makamtan ang promosyon sa trabaho sa taong ito.

Pero, sa kabila nito, kailangang pagtuunan ng pansin ang ethics sa trabaho at iwasan ang di-pagkakaunawaan.

Pera: Ang 2015 ay magdadala ng pera para sa mga ipinanganak sa Taon ng Baboy. Ang inyong propek sa karera ay maganda sa taong ito, kaya, pagbutihin ang trabaho at susunod ang pera.

Pag-ibig: Maganda rin ang prospek ng pag-ibig para sa mga ipinanganak sa Taon ng Baboy ngayong 2015. Kung binata't dalaga, kailangang magpunta sa mas maraming pagtitipon para mas lumaki ang tsansa na makakilala ng inyong magugustuhan. Pero, may kabagalan ang pagdedebelop ng isang seryosong relasyon ngayong taon.

Para sa mga dalaga, maraming pagkakataon sa taong ito na makakilala ng mga binata.

Kalusugan: Dahil sa inyong sipag sa trabaho, magkakaroon kayo ng panghihina at makakaranas ng presyur. Huwag kalimutang magpahinga, kumain ng masusustansyang pagkain, at mag-ehersisyo upang maibalik ang inyong bitalidad. May posibilidad din na kayo ay magkakasakit, kaya, bigyan ng atensyon ang inyong kalusugan, lalong-lalu na ang inyong sikmura, nervous system.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>