Mula noong ika-19 hanggang ika-23 ng buwang ito, dumalaw sa Tsina si Christine Lagarde, Presidente ng International Monetary Fund (IMF). Sapul nang manungkulan siya bilang Presidente ng IMF, ito ang kanyang ika-6 nang beses ng biyahe dito sa Tsina.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Lagarde, na bagama't kasalukuyang bumabagal ang paglaki ng kabuhayang Tsino, ang Tsina ay nananatili pa ring mahalagang puwersang tagapagpasulong sa kabuhayang pandaigdig. Samantala, kailangan aniyang agaran at buong tatag na isakatuparan ng Tsina ang reporma para maiwasan ang mas malaking panganib.
Dagdag pa niya, winiwelkam ng IMF ang pagpapababa ng Pamahalaang Tsino ng target ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa mga 7%. Ito aniya ay kapareho ng 6.5% hanggang 7% na tinaya ng IMF.
Salin: Li Feng