Ipinahayag kahapon ni Lin Yifu (Justin Lin), Dating Punong Ekonomista ng World Bank (WB), at Propesor mula sa Peking University ng Tsina, na kung mapapanatili ang matatag na paglaki ng kabuhayang Tsino, ang pamumuhunan ay dapat maging pangunahing puwersa.
Sa isang porum hinggil sa kabuhayang Tsino na idinaos sa New York kahapon, sinabi ni Lin na para sa kabuhayang Tsino, maliit ang espasyo ng paglaki ng pagluluwas. Bukod dito, ang pamumuhunan ay makakatulong din sa paglaki ng konsumo ng mga mamamamayan.
Sinabi rin ni Li na mayroong mga magagandang pagkakataon ang pamumuhunan ng Tsina na gaya ng inobasyon ng teknolohiya, pagtaas ng lebel ng mga industriya, konstruksyon ng imprastruktura, pangangalaga sa kapaligiran at proseso ng pagsasalunsod.
Dagdag pa niya, dapat pahigpitin ang pangangasiwa at pagsusuperbisa ng pamahalaang Tsino sa proseso ng pamumuhunan.