Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga malalaking air crash sapul noong 2014

(GMT+08:00) 2015-03-26 15:14:11       CRI

Lugar kung saan bumagsak ang eroplanong militar sa Silangang Algeria noong ika-11 ng Pebrero, 2014

Noong ika-11 ng Pebrero, 2014, bumagsak ang isang eroplanong militar sa Lalawigang Oum El Bouaghi sa Silangang Algeria. 77 katao ang nasawi.

Noong ika-7 ng Marso, 2015, isang sand sculpture sa dalampasigan ng Puri, India, na ginawa ng isang artistang Indiano bilang paggunita sa unang aniversaryo ng pagkabagsak ng Flight MH370

Noong ika-8 ng Marso, 2014, nawalan ng kontak sa air traffic control ang Malaysia Airlines Flight MH370, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam. Ang eroplanong ito ay may lulang 227 pasahero at 12 crew, na kinabibilangan ng 154 pasaherong Tsino. Noong ika-29 ng Enero, 2015, ipinatalastas ng Kawanihan ng Abiyasyong Sibil ng Malaysia na bumagsak ang flight MH370, at ang lahat ng mga tao sa eroplano ay itinuturing na nasawi.

Lugar sa dakong silangan ng Ukraine kung saan bumagsak ang eroplano ng Malaysia Airlines noong ika-17 ng Hulyo, 2014

Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, bumagsak sa purok-hanggahan ng Ukraine ang isang Boeing 777 aircraft ng Malaysia Airlines na may lulang 298 pasahero. Nasawi ang lahat ng mga tao sa eroplano.

Pinagbagsakan ng eroplano ng TransAsia Airways Corporation sa Penghu county ng Taiwan noong ika-24 ng Hulyo, 2014

Noong ika-24 ng Hulyo, 2014, isang air crash ang naganap sa Penghu county ng Taiwan na ikinamatay ng 48 katao at ikinasugat ng 15 iba pa. Ang bumagsak na eroplano ay pag-aari ng TransAsia Airways Corporation, ikatlong pinakamalaking airline company sa Taiwan.

Isang sundalong Pranses at isang mamamahayag ang nasa lugar na binagsakan ng eroplano sa Mali

Noong ika-24 ng Hulyo, 2014, bumagsak sa Mali ang flight AH5017 ng Air Algeria pagkaraang lumipad mula sa Ouagadougou, kabisera ng Burkina Faso papuntang Algiers. 116 katao sa naturang eroplano ang nasawi.

Noong ika-12 ng Enero, 2015, sa Pangkalanbuun, Indonesia, isang manggagawa ang nagsagawa ng cleaning operation para sa labi ng flight QZ8501

Noong ika-28 ng Disyembre, 2014, bumagsak sa karagatan sa paligid ng Belitung Island, Indonesia ang flight na QZ8501 ng Air Asia habang lumilipad mula Surabaya ng Indonesia patungong Singapore. Ito ay may lulang 162 katao, at lahat sa kanila ay namatay.

Noong ika-4 ng Pebrero, 2015, hinahanap ng mga rescuers ang mga natitirang buhay na pasahero sa Keelung River, Taipei

Noong ika-4 ng Pebrero, 2015, ang Flight GE235 ng TransAsia Airways ay bumagsak sa Keelung River ilang minuto makaraang lumipad ito mula sa Songshan Airport sa Taipei. Kabilang sa 58 katao sa naturang eroplano, 43 katao ang nasawi.

Kuhang larawan ng mga labi ng Flight 4U9525

Noong ika-24 ng Marso, 2015, bumagsak sa kabundukan sa dakong timog ng Pransya ang Flight 4U9525 ng Germanwings, isang budget airline ng Alemanya. Malaki ang posibilidad na nasawi ang lahat ng 144 na pasahero at 6 na crew member sa eroplano.

Salin: Vera / Mga literato: Xinhua News Agency

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>