Bumagsak kahapon ng umaga sa isang ilog sa Taipei, kabisera ng lalawigang Taiwan ng Tsina ang Flight GE235 ng TransAsia Airways. Hanggang alas 5:40 ngayong umaga, kabilang sa 58 pasahero at tauhan ng eroplano, 31 ang nasawi, 16 ang nasugatan at 11 ang nawawala.
Kaugnay ng trahediya, inutusan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga mga may kinalamang departamento ng Mainland at Taiwan na matamo ang tumpak na impormasyon, magbigay-tulong sa paggamot sa mga sugatan, alagaan ang mga naulila at maayos na hawakan ang aftermath.
Ang ATR-72 aircraft papuntang Kinmen ay bumagsak sa Keelung River mga alas 10:56 kahapon ng umaga ilang minuto makaraang lumipad ito mula sa Songshan Airport sa Taipei.
Ang TransAsia Airways, na itinatag noong 1951, ay pribadong airline ng Taiwan.