Nagtagpo kahapon sa Beijing sina Zhang Gaoli, Pangalawang Premyer Tsino, at kanyang counterpart na si Teo CheeHean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore.
Kapwa nila hinangaan ang mga natamong bunga ng Tsina at Singapore sa bilateral na relasyon at mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangan ng pinansiya, human resources, pangangasiwa sa kaayusang panlipunan, edukasyon, teknolohiya at pangangalaga sa kapaligiran.
Sinabi ni Zhang na nakahanda ang Tsina na patuloy na palalimin ang pagkakaibigan at pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Teo na umaasa siyang magkasamang magsisikap ang dalawang bansa para palawakin ang kanilang kooperasyon at pataasin ang bilateral na relasyon sa bagong antas.