Ayon sa ulat kahapon ng opisyal na media ng Myanmar, aprubado na ang pagtatayo ng sangay sa bansa ng Bank of Tokyo-Mitsubishi UFJ (BTMU) at Sumitomo Mitsui Banking Corporation (SMBC) ng Hapon, at OCBC Bank ng Singapore. Ang mga ito ang unang tatlong bangkong dayuhan na magbubukas ng sangay sa bansang ito sa ika-23 ng kasalukuyang buwan.
Ayon sa pahayag kamakailan ng Bangko Sentral ng Myanmar, nagpaplano din ang anim (6) pang bangkong dayuhan ang nagpaplano ring magsimula ng negosyo sa bansang ito. Kabilang sa nasabing mga bangko ay ang Industrial and Commercial Bank of China (ICBC), Australia and New Zealand Banking Group Limited (ANZ), Bangkok Bank, Malayan Banking, Mizuho Bank, at United Overseas Bank ng Singapore.
Salin: Jade