Binuksan kahapon sa Panama City ng Panama ang Ika-7 Summit of the Americas (SOA).
Lumahok sa summit na ito ang mga lider at kinatawan ng 35 bansa ng rehiyong Amerika. Lumahok sa kauna-unahang pagkakataon sa summit na ito ang Cuba.
Tatalakayin sa dalawang araw na summit ng mga kalahok na bansa ang mga isyu hinggil sa kalusugan, edukasyon, kapaligiran, enerhiya, seguridad, at demokrasya.
Tatalakayin din nila ang mga mainit na isyu na gaya ng hidwaan sa pagitan ng Amerika at Venezuela, paghiling ng Argentina sa soberanya ng Malvinas Islands o tinatawag ng Britanya na Falkland Islands.