Ayon sa pinakahuling East Asia And Pacific Economic Update na ipinalabas ngayong araw ng World Bank (WB), aabot sa 7.1% ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina sa 2015. Samantala, ang bahagdang nabanggit ay katulad ng itinakdang target ng pamahalang Tsino, na humigit-kumulang 7% ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 2015. Noong 2014, umabot sa 7.4% ang paglaki ng GDP ng Tsina.
Ayon pa rin sa nasabing ulat ng WB, tinatayang tataas ng 6.7% ang paglaki ng GDP ng mga umuunlad na ekonomiya sa Silangang Asya sa taong 2015 at 2016. Kahit ito ay mas mababa kumpara sa 6.9% na paglaki noong 2014, makikinabang ang mga umuunlad na ekonomiya sa pagbaba ng presyo ng langis at pagpapanumbalik ng kabuhayan ng mga maunlad na ekonomiya sa kasalukuyang taon, dagdag pa ng ulat.
Salin: Jade