Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga paraiso para sa mahilig sa libro

(GMT+08:00) 2015-04-23 16:00:31       CRI

Ngayong araw, ika-23 ng Abril, ang World Reading Day or World Book and Copyright Day. Noong 1995, ipinatalastas ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO na ang ika-23 ng Abril ay World Reading Day. Hangad ng UNESCO na hikayatin ang mga tao na magbasa ng mas maraming aklat, at gunitahin ang mga taong gumawa ng napakalaking ambag para sa pagpapasulong ng progreso ng lipunan at kultura ng sangkatauhan.

Bakit ika-23 ng Abril? Dahil may espesyal na katuturan sa sirkulo ng literatura ang araw na ito. Yumao ang dakilang manunulat na si William Shakespeare noong ika-23 ng Abril, 1616. Bukod dito, ipinanganak o yumao sa araw na ito ang maraming namumukod na manunulat na gaya nina Maurice Druon ng Prasya, K. Laxness ng Iceland, Vladimir Nabokov ng Estados Unidos, Josep Pla ng Espanya, at Manuel Mejia Vallejo ng Colombia.

Sa okasyon ng ika-20 World Reading Day, narito ang ilang pinakamagandang lugar sa iba't ibang parte ng mundo na itinuturing na paraiso para sa book lovers.

Bookstore chain na Livraria da Vila sa Sao Paulo, Brazil. May siyam na tindahan sa Sao Paulo ang Livraria da Vila. 30 taon na ang kasaysayan nito. Ang dekorasyon sa loob ng tindahan ay lumilikha ng maginhawang atmospera para sa pagbasa ng aklat.

Aklatan sa Trinity College Dublin, Ireland.

Ang Royal Portuguese Reading Room sa Rio De Janeiro, Brazil, ay nakakahikayat ng nakararaming bisita bawat araw. Iniingatan sa aklatang ito ang mga librong nilimbag noong sinaunang panahon. Hindi ito nahihiram at hindi puwedeng hawakan ang karamihan ng mga aklat doon.

El Pendulo bookstore sa Mexico city, Mexico.

Liyuan Library sa Huairou District, Beijing.

Stuttgart City Library, Alemanya.

Admont Library, Austrya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>