Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2015 Met Ball—China: Through the Looking Glass

(GMT+08:00) 2015-05-08 15:48:49       CRI

Alam ba ninyo ang pinakapatok at pinaka-latest sa mundo ng modeling? Eh di, walang iba, kundi ang 2015 Metropolitan Museum of Art Costume Institute Gala o Met Ball. Ito ang pinaka-bonggang taunang gala sa mundo ng pagmo-modelo.

Mga babaeng artistang Tsino

Si Gong Li

Si Zhang Ziyi

Si Fan Bingbing

Ang Met Ball ay sinimulang idaos noong 1948, at halos 70 taon na ang kasaysayan nito. Kadalasang idinaraos ang Met Ball sa unang dako ng Mayo, at tinatawag itong "Oscars ng Sirkulo ng Pagmomodelo." Layon ng galang ito na umipon ng pondo para sa konstruksyon at pagpapaganda ng Pabilyon ng Pagmomoda ng Metropolitan Museum of Art Costume Institute.

Si George Clooney at ang kanyang asawa na si Amal Ala

Si Robyn Rihanna Fenty

Si Kim Kardashian

Ang Met Ball ay mayroong magkakaibang ema bawat taon, at dito nakabase ang isinusuot ng mga panauhin. Ang tema tuwing taon ay may napakalaking epekto sa pagdidisenyo at pagbebenta ng mga fashion brand.

Si Anne Hathaway

Si Bee Shaffer

Si Diane Kruger

Ngayong 2015, ang tema ay "China: Through the Looking Glass." Ito ay nangangahulugang ang lahat ng mga panauhin ay kailangang magsuot ng glad rag na may katangiang Tsino. Narito ang mga glad rag na isinuot ng ilang artistang Tsino't dayuhan sa 2015 Met Ball. Sa tingin nyo, aling glad rag ang pinakamaganda at pinaka-angkop sa tema ng kasalukuyang gala?

Sina Irina Shayk at Emily Ratajkowski

Si Sarah Jessica Parker

Si Georgia May Jagger

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>