Magkasanib na ipinatalastas kahapon ng Kagawaran ng Estado at Kagawaran ng Tesorarya ng Estados Unidos na idaraos sa Washington D.C. sa huling dako ng susunod na buwan, ang Ika-7 Diyalogong Estratehiko at Ekonomiko at Ika-6 na Mataas na Pagsasanggunian ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Amerika.
Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, ang nasabing diyalogo ay magkakasamang pangunguluhan nina John Forbes Kerry, espesyal na kinatawan ni Pangulong Barak Obama, at Kalihim ng Estado, Jacob Lew, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, at Wang Yang, espesyal na kinatawan ni Pangulong Xi Jinping, at Pangalawang Premyer, Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina. Tatalakayin ng mga kalahok ang hinggil sa, pangunahin na, pagkakataon at hamong magkasamang kinakaharap ng dalawang bansa, kapakanang ekonomiko at estratehiko ng dalawang bansa sa rehiyon at buong daigdig, at iba pa.
Bukod dito, magkasamang dadalo sina Kerry at Pangalawang Premyer Liu Yandong ng Tsina sa Ika-6 na Mataas na Pagsasanggunian ng Pagpapalitang Pangkultura ng Tsina at Amerik.
Salin: Li Feng