Ipinahayag kahapon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na dadalaw sa Tsina si John Kerry, Kalihim ng Estado ng bansa, mula ika-16 hanggang ika-17 ng buwang ito. Anito, magpapalitan ang dalawang panig ng kuru-kuro sa mga isyung may-kinalaman sa gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika at sa bagong round ng diyalogong pang-estratehiya at pangkabuhayan ng Tsina at Amerika. Anito pa, pagkaraan ng pagbisita sa Tsina, bibisita rin si John Kerry sa Timog Korea, mula ika-17 hanggang ika-18, at ang isyung Peninsula ng Korea ay magsisilbing isa sa mga pangunahing paksa ng kanyang biyahe sa Tsina at T.Korea.