Nahaharap ang ating mundo sa krisis ng kapaligiran na dulot ng mga problemang gaya ng pag-init ng klima, napakalaking populasyon, polusyon, ilegal na pangangaso, pagtunaw ng glaciers at iba pa. Ipinalabas kamakailan ng Foundation for Deep Ecology at Population Media Center ang mga litrato hinggil sa pagsira ng sangkatauhan sa lupa, himpapawid at dagat.
Ipinakikita ng ilang litrato na nangingibabaw ang nakararaming basura na ipinoprodyus ng sangkatauhan sa iba't ibang sulok ng daigdig. Makikita ninyo ang mga itinapong piyesa ng mga electrical appliances, plastic garbage at gulong sa mga ilog at dagat. Kasabay ng pagdaragdag ng pangangailangan sa kahoy para sa konstruksyong arkitektural, nagiging masama ang kondisyon ng mga kagubatan sa maraming purok, dahil sa labis na pagputol.
Sa kabutihang palad, binabalak ng mga lider ng maraming bansa na magpulong sa Setyembre ng taong ito, para talakayin ang hinggil sa pagharap sa naturang mga malubhang krisis, at itakda ang target ng pangangalaga sa kapaligiran bago ang taong 2030. Idaraos naman sa Paris sa susunod na Disyembre ang pulong ng United Nations (UN) na maglalayong isagawa ang limitasyon sa polusyon.
Salin: Vera