CHANGI NAVAL BASE, Singapore—Sinimulan kahapon ng Tsina at Singapore ang dalawang-araw na pagsasanay-militar sa karagatan na may code name na China-Singapore Cooperation 2015. Ito ang unang ganitong pagsasanay sa pagitan ng dalawang bansa.
Lumahok sa nasabing ensayo ang Yulin, missile frigate ng Tsina, at dalawang bapor ng Singapore.
Nauna rito mula ika-19 hanggang ika-21 ng Mayo, lumahok ang nasabing bapor Tsino sa Ika-10 International Maritime Defence Exhibition (IMDEX) Asia 2015. Ang IMDEX Asia ay pangunahing pandaigdig na pagtatanghal sa depensang pandagat. Binubuo ito ng eksibisyon, komperensiyang estratehiko at pagtatanghal ng mga bapor pandigma.
Salin: Jade