|
||||||||
|
||
Si Pangulong Xi (sa gitna)
Sa kanyang konsultasyon sa mga opisyal ng mga pamahalaang lokal hinggil sa ika-13 panlimahang-taong pambansang plano ng Tsina mula 2016 hanggang 2020, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping na kailangang pahalagahan ng bansa ang mga sumusunod na larangan.
Sinabi niyang upang mapanatili ang paglaki ng pambansang kabuhayan, kailangang baguhin ang pamamaraan ng pagpapasulong ng ekonomiya. Ibig sabihin, kailangang paunahin ang kalidad at episyensiya ng kabuhayan, at kailangang palaguhin ang kabuhayan sa pamamagitan ng koordinasyon ng paglaki ng konsumo, pamumuhunan at pagluluwas, sa pamamagitan ng koordinadong pag-unlad ng first, second at third industry.
Ipinagdiinan niyang kailangang pabutihin ang estruktura ng mga industriya sa pamamagitan ng pagrereporma sa mga tradisyonal na industriya at pagpapasulong ng impormasyonalisasyon at industriyalisasyon. Ipinahayag din niya ang priyoridad sa pagpapasulong ng inobasyon sa teknolohiya, industriya, bahay-kalakal, pamilihan, pangangasiwa at iba pa.
Ipinahayag ni Xi ang pangangailangan sa pagpapasulong ng modernisasyon ng agrikultura ng Tsina na nagtatampok sa episyensiya, pagkawalang-panganib at sustenableng pag-unlad.
Biningyang-diin niyang ang lahat ng nasabing mga hakbangin ay naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan at makapagtamasa sila ng mahusay na edukasyon, hanap-buhay, social security, serbisyong medikal at walang-panganib na pagkain.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |