Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Filipino-American, pinangunahan ang pagdaraos ng FMA Seminar/Workshop sa Beijing

(GMT+08:00) 2015-06-01 15:42:11       CRI
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-40 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Diplomatikong Relasyon ng Pilipinas at Tsina, pinangunahan kamakailan ni Jhun Occidental, isang Filipino-American ang pagdaraos ng isang Filipino Martial Arts (FMA) Seminar/Workshop sa Tiger King Gym sa Chaoyang District ng Beijing.

Si Occidental ay isang eksperto ng FMA at Foreign Service Officer mula sa Embahada ng Amerika sa Tsina.

Aniya, napapanahon para ituro sa mga kaibigang Tsino ang FMA, dahil ito ay daan upang maitatag ang mas matibay na pagkakaibigan at pagkakaunawaan ng mga mamamayang Pilipino at Tsino.

Dagdag pa ni Occidental, ang pagtuturo ng FMA ay isa ring paraan ng pagpapakilala ng kulturang Pilipino sa mundo at pagpapakita, na ang mga Pilipino ay may malasakit sa kapwa, pagkakaibigan at pagkakaunawaan.

Aniya pa, mananatili siya sa Tsina hanggang Nobeyembre ng kasalukuyang taon, at sa loob ng kanyang natitirang panahon sa bansa, nais niyang magdaos pa ng ilang seminar/workshop para ipakilala ang FMA sa mundo.

Ang FMA ay kilala rin bilang Arnis/Eskrima/Kali. Ang mga ito ay salitang tumutukoy sa likas at katutubong sining, at pambansang laro ng ng Pilipinas.

Ang naturang seminar/workshop ay ang ika-4 sa serye ng mga aktibidad hinggil sa pagpapakilala ng FMA at kulturang Pilipino sa Tsina.

Ang unang 3 aktibidad ay idinaos sa pangunguna ni Rhio Zablan, mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina at tagapagtatag ng Arnis China.

Ang Arnis China ang kauna-unahan at nag-iisang organisasyon sa Mainland ng Tsina na nagtuturo ng FMA.

Mga kalahok sa ika-4 na FMA Seminar at Workshop sa Beijing

Jhun Occidental at Rhio Zablan

Si Jhun Ocidental habang nagtuturo ng FMA

Reporter: Rhio Zablan

Photographer: Rhio Zablan at James Lin

/wakas//

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>