Ayon sa ulat ng Japanese media, batay sa pahayag ng mga taong malapit sa Pamahalaang Hapones, nitong Linggo, pumasok sa pinal na yugto ang pagsasanggunian ng mga may-kinalamang suliranin ng paglalagda ng Hapon at Pilipinas ng kasunduan hinggil sa paglilipat ng mga kagamitang pandepensa. Ayon sa plano, sa unang dako ng kasalukuyang buwan, idaraos sa Tokyo nina Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon at Pangulong Benigno Aquino III ng Pilipinas ang summit, at tinatayang magkakasundo ang dalawang panig hinggil sa pagsisimula ng talastasan ng paglalagda sa kasunduan.
Kaugnay ng mga kagamitang iluluwas ng Hapon sa Pilipinas, ang P-3C anti submarine patrol aircraft, radar, at iba pang may-kinalamang kagamitan, ay magsisilbing pagpili ng panig Pilipino.
Salin: Li Feng