PAGTUTULUNGAN, SUSI SA PAGKAKAIBIGAN. Sinabi ng Embahada ng Tsina sa Maynila na maganda ang naging pahayag ni Pangulong Aquino kagabi at ni Spokesperson Edwin Lacierda kahapon. Inaasahang magsasalita ngayong gabi si Chinese Ambassador to Manila Zhao Jianhua tungkol sa pagkakabigan ng Pilipinas at Tsina. (File Photo ni Melo Acuna)
IPINAGPAPASALAMAT ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas ang magandang pahayag ni Pangulong Aquino sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry sa pagdiriwang ng ika-117 Araw ng Kalayaan.
Mahalaga rin ang naging pahayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda hinggil sa relasyong namamagitan sa Pilipinas at Tsina.
Sa isang pahayag na inilabas sa mga mamamahayag, sinabi ng embahada na naniniwala sila na ang dalawang bansa ay makatutugon sa mga 'di pagkakaunawaan.
Umaasa ang Embahada ng Tsina na makakatulong nila ang Pilipinas sa pagsusulong ng pinag-ibayong kalakalan, turismo at people-to-people exchanges upang matiyak na magiging maganda ang kinabukasan.