Sa Kunming City, lalawigang Yunnan ng Tsina-Binuksan dito kahapon ang 7th Greater Mekong Subregion Economic Corridor's Forum. Tinalakay at narating ng mga kalahok ang pagkakasundo hinggil sa pagpatupad sa "Economic Corridor's Strategic Program," pagtatatag ng plataporma ng transnasyonal na pagtutulungan sa e-commerce, pagpapasulong ng mas maginhawang kooperasyon sa larangan ng transportasyon at kalakalan, pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan ng GMS, at iba pa. Pinagtibay din sa porum ang "GMS Economic Corridor's Ministerial Joint Agreement."
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina na ang pagpapatibay ng naturang magkasanib na pahayag ay nagsisilbing bunga ng pagpapatupad sa komong palagay na narating sa Ika-5 Summit ng GMS Economic Corridor, noong 2014. Ito aniya'y gumagabay na prinsipyo para ibayo pang pasulungin ang konstruksyon ng GMS Economic Corridor.