NASAWI si Vice Mayor Florante Raspado ng Jones, Isabela matapos barilin ng dalawang 'di pa nakikilalang lalaki sa isang pulong sa munisipyo kaninang ika-11 ng umaga.
Ayon sa media reports mula sa Isabela Provincial Police Office, nasawi si Vice Mayor Raspado ng pasukin ng dalawang armado ang session hall na pinagdarausan ng sesyon kasama ang pitong iba pang konsehal.
Binaril din ng mga armado ang 'di pa nakikilalang security aide ni Councilor Lanie Uy.
Matapos barilin si Raspado at ang alalay ng konsehal, tumakas ang mga armado patungo sa Quirino Province. Tuloy ang pagtugis ng mga pulis sa mga armadong kalalakihan.