Sa Hanoi, Biyetnam, magkakahiwalay na kinatagpo dito kamakalawa at kahapon si Zhang Gaoli, dumadalaw na Pangalawang Premyer ng Tsina, nina Punong Ministro Nguyen Tan Dung, Pangalawang Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc, at Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam.
Sa mga pagtatagpo, tinalakay ng dalawang panig ang mga hakbangin hinggil sa pagpapalakas ng estratehikong pag-uugnayan, pagpapalalim ng pagtitiwalaang pulitikal, pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyon, at pagpapalawak ng pagpapalitan ng mga mamamayan.
Ipinahayag ni Zhang ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Biyetnam, na pasulungin ang matatag at malusog na komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi naman ng mga lider na Biyetnames na ang kooperasyon sa industrial capacity ay pangunahing tunguhin ng kooperasyong Sino-Biyetnames. Anila pa, dapat maayos na kontrulin ng dalawang bansa ang mga hidwaan sa isyung pandagat.
Salin: Liu Kai