Sa kanyang pakikipagtagpo sa Beijing kahapon kay Pham Binh Minh, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Biyetnam, ipinahayag ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina na ang mainam na relasyong Sino-Biyetnames ay angkop sa komong kapakanan ng dalawang bansa. Dapat aniyang palalalim ng dalawang bansa ang estratehikong pagtitiwalaan para maitatag ang pangmatagalan at matatag na relasyon.
Ipinahayag naman ni Pham Binh Minh na itinuturing ng kanyang bansa ang pag-unlad ng Tsina bilang mahalagang pagkakataon. Nakahanda aniya ang Biyetnam na walang humpay na palalimin ang relasyon sa Tsina.
Salin: Li Feng