Nagtagpo kamakalawa sa Hanoi, Biyetnam, ang dumadalaw na si Zhang Gaoli, Miyembro ng Standing Committee ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer Tsino, at si Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Ipinahayag ni Zhang na sa pagharap sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig, dapat panatilihin ang katatagan at kalusugan ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa at pahigpitin ang pagpapalitan at kooperasyon ng dalawang partido. Ito aniya ay makakabuti sa kani-kanilang usaping sosyalista at katatagan at kapayapaang panrehiyon.
Ipinahayag naman ni Nguyen na lubos na pinahahalagahan ng CPV ang pagkakaibigan at relasyon ng dalawang bansa at partido. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang partido para isakatuparan ang mga narating na komong palagay at bigyan ng mga aktuwal na kapakanan ang kanilang mga mamamayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Zhang na nakahanda ang panig Tsino na ibayo pang pahigpitin ang pagpapalagayan ng dalawang partido at bansa, palalimin ang estratehikong pag-uugnayan at pagtitiwalaang pulitikal, at maayos na hawakan ang mga hidwaan.
Bukod dito, inaanyayahan ni Nguyen si Pangulong Xi Jinping ng Tsinan a dumalaw sa Biyetnam sa lalong madaling panahon.