Kaugnay ng paghatol ng isang hukumang lokal ng Myanmar sa mga mamamayang Tsino, sinabi kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matamang sinusubaybayan ng panig Tsino ang kasong ito at iniharap na sa Myanmar ang representasyon.
Noong unang dako ng taong ito, naaresto ang 153 mamamayang Tsino sa Myanmar dahil sa iligal na pagtotroso at nahatulan kamakailan ng isang hukuman sa Myitgyina sa dakong Hilaga ng Myanmar ng mahigit 10 taong pagkabilanggo para sa naturang mga Tsino.
Sinabi pa ni Lu na umaasa ang panig Tsino na maayos na hahawakan ng Myanmar ang kasong ito at babalikan nila ang Tsina sa lalong madalong panahon.