Ayon sa mataas na personahe ng Myanmar, lumagda ngayong araw si Pangulong Thein Sein ng Myanmar sa general amnesty na agarang pinalaya ang 6,966 na bilanggo na kinabibilangan ng 155 Tsinong magtotroso na nahatulan kamakailan ng nasabing bansa.
Kaugnay ng paghatol ng isang hukumang lokal ng Myanmar sa mga Tsinong magtotroso, sinabi noong ika-22 ng buwang ito ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na matamang sinusubaybayan ng panig Tsino ang kasong ito at iniharap na sa Myanmar ang representasyon. Aniya pa, hiniling ng panig Tsino sa Myanmar na pahalagahan ang pagkabahala ng panig Tsino, at maayos na hawakan ang kasong ito.
Salin: Li Feng