|
||||||||
|
||
TIANJIN, baybaying-lunsod sa hilaga ng Tsina—Ang mga mataas na opisyal mula sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay nagpulong kahapon dito para balangkasin ang Code of Conduct (COC) bilang pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng South China Sea (SCS).
Sa preskon pagkaraan ng katatapos na Ika-9 na Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Tsina at ASEAN sa Pagpapatupad sa DOC, inilarawan ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pulong bilang mapagkaibigan at matapat.
Nangako ang magkabilang panig na pasulungin pa ang mga praktikal na kooperasyong pandagat para komprehensibo at epektibong matupad ang DOC. Nangako rin silang ipagpatuloy ang pagsasanggunian hinggil sa pagbalangkas ng COC.
Napagkasunduan din ng mga kalahok na opisyal na bilang unang dokumentong pulitikal na nilagdaan ng Tsina at ASEAN hinggil sa isyu ng SCS, ang DOC ay itinuturing bilang muhon sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng karagatang ito.
Pinagtibay rin sa pulong ang isang work plan hinggil sa pagpapatupad sa DOC para sa taong 2015-2016.
Pinag-usapan din ng mga kalahok ang hinggil sa pagbuo ng tatlong komiteng teknolohikal hinggil sa katatagan sa paglayag, at paghanahap at pagliligtas; pananaliksik na pandagat at pangangalaga sa kapaligirang pandagat; at pagbibigay-dagok sa transnasyonal na krimen sa karagatan. Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa pagbalangkas ng preventive measures para maiwasan ang aksidente sa karagatan at epektibong pangasiwaan ang kalagayang pandagat habang binabalangkas ng mga may kinalamang panig ang COC.
Sinang-ayunan din nilang ipagpapatuloy ang pagsisikap para mabubukasan ang hotline bilang tugon sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan at iba pang mga pangkagipitang isyu sa karagatan.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |