Idaraos bukas ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang kanilang tatlong araw na Ika-14 na Magkasanib na Pulong ng Working Group para sa Pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC), sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ipinatalastas ito ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa regular na preskon.
Ayon kay Hua, sa gaganaping pulong, magtatalakayan ang dalawang panig kung paano ganap at epektibong tupdin ang DOC para mapalalim ang pragmatikong pagtutulungang pandagat at mapasulong ang talastasan hinggil sa pagbalangkas ng Code of Conduct in the South China Sea (COC).
Dagdag pa niya, magtatalakayan din ang dalawang panig hinggil sa pagbubukas ng hotline hinggil sa paghahanap at pagliligtas sa karagatan at hotline sa pagitan ng mga mataas na opisyal ng ministring panlabas para matugunan ang mga di-inaasahang pangyayaring pandagat.
Salin: Jade