|
||||||||
|
||
Dumating ng Yangon airport kahapon (local time) ang Chinese Blue Sky Rescue Team. Sapul nang maganap ang kalamidad ng baha sa mga lugar ng Myanmar, ito ang unang pandaigdigang grupong panaklolo na dumating ng nasabing bansa.
Si Zhang Yong, Puno ng Chinese Blue Sky Rescue Team
Ayon kau Zhang Yong, puno ng Chinese rescue team, na ang kanilang gawaing panaklolo ay kinabibilangan ng paglilipat ng mga tauhan, paghahanap ng mga nawawalang tao, pakikilahok sa mga gawaing medikal, at iba pa.
Chinese Blue Sky Rescue Team
Ayon sa ulat, pagkaraang alamin ang pangangailangan sa lokalidad, pupunta ang grupong ito sa apektadong lugar ng Rakhine para isagawa ang gawaing panaklolo.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |