Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, muling ipinahayag ang pagluluksa sa pagbagsak ng MH370 at ang kahilingan sa ganap na imbestigasyon

(GMT+08:00) 2015-08-06 15:28:25       CRI

Kinumpirma ngayong madaling araw ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia na ang labing natagpuan sa Reunion Island sa Indian Ocean noong katapusan ng nagdaang Hulyo ay bahagi ng nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.

Kaugnay nito, muling ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagluluksa ng pamamahalan at mga mamamayang Tsino sa lahat ng pasahero at tauhan sa bumagsak na eroplano. Ipinahayag din niya ang pakikidalamhati sa mga kamag-anak ng mga namapaya.

Hinimok din ni Hu ang Malaysia na patuloy na imbestigahan ang dahilan ng trahediya at pangalagaan ang karapatan at interes ng mga kamag-anakan ng mga nasawi.

Isang piraso ng labi ng bumagsak na MH370 ang natagpuan ng residenteng lokal sa Reunion Island noong ika-29 ng nagdaang Hulyo.

Ang Boeing 777-200 aircraft ng Malaysia Airlines ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng Marso (Beijing/Manila time), 2014. Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon. Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.

Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>