Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, na sa ika-14 ng buwang ito, ilalabas niya ang pahayag kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, sa porma ng resolusyon ng gabinete.
Napag-alamang noong una, gusto ni Abe na ilabas ang naturang pahayag bilang personal na pahayag. Pero, hinimok siya ng Komeito, co-ruling party ng Hapon, na gawin ang porma ng resolusyon ng gabinete, para ipagpatuloy ang paninindigan ng mga nagdaang pamahalaan.
Hiniling din ng Komeito kay Abe na banggitin sa kanyang pahayag ang mga salitang "pananalakay," "kolonyal na paghahari," at "paghingi ng paumanhin." Pero, may paglalaan o reserbasyon pa rin si Abe sa pagbanggit ng "paghingi ng paumanhin."
Salin: Liu Kai