Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kemikal sa sumabog na imbakan ng Tianjin, tiyak na

(GMT+08:00) 2015-08-20 15:46:03       CRI
Natiyak na ang mga kemikal sa imbakan ng Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina, kung saan dalawang pagsabog ang naganap noong ika-12 ng buwang ito.

Sa preskon kahapon, sinabi ng mga opisyal ng Tianjin na 40 substances sa 7 kategorya ang inimbak sa sumabog na warehouse. Kabilang dito ay 1,300 toneladang oxide compounds na pangunahing kinabibilangan ng potassium nitrate at ammonium nitrate, 500 toneladang madaling masunog na materyales na gaya ng potassium nitrate at ammonium nitrate, at 700 toneladang labis na nakakalasong bagay kung saan ang pangunahing bagay ay sodium cyanide. Hanggang kahapon ng kahapon, 150 sa 700 toneladang sodium cyanide ang inalis mula sa sentro ng lugar ng pagsabog at ipinadala sa manufacturer para maayos na hawakan. Ang natitira naman ang sumabog.

Napag-alamang karamihan sa nasabing mga kemikal ang nadetekta sa gitna ng lugar ng pagsabog kung saan itinayo ang dike para mabawasan ang panganib ng kontaminasyon.

Samantala, patuloy pa rin ang operasyon ng paglilinis o cleanup operation.

Naganap noong ika-12 ng buwang ito ang dalawang malakas na pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin kung saan nakaimbak ang mga delikadong kemikal.

Ayon sa pinakahuling datos, 114 katao ang namatay sa pangyayari. Samantala, libu-libong mamamayang lokal at 1,700 bahay-kalakal ang apektado.

 Iniisterilisa ang mga rescuer pagkaraan ng cleanup work sa sentro ng lugar ng pagsabog. Larawang kinunan Aug. 19, 2015. (Xinhua/Wang Haobo)

Tagapagsalin/editor: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>