Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lideratong Tsino, inulit ang kahalagahan sa ganap na imbestigasyon sa pagsabog sa Tianjin

(GMT+08:00) 2015-08-20 16:15:02       CRI

Sa espesyal na pulong ng liderato ng Tsina hinggil sa malulubhang pagsabog sa Tianjin, lunsod sa baybaying-dagat sa dakong hilaga ng bansa, inulit ni Pangulong Xi Jinping ang kahalagahan ng ganap na imbestigasyon sa pangyayari at pagpapataw ng kaparusahan sa mga mananagot.

Ipinagdiinan din ng lideratong Tsino ang mga sumusunod na pangunahing gawain sa aftermath ng insidente.

Una, kailangang patuloy na hanapin ang mga nawawalang tao.

Ikalawa, buong-lakas na gagamutin ang mga sugatan.

Ikatlo, maayos na ipagpapatuloy ang paglilinis at paghawak sa mga natitirang kemikal.

Ikaapat, pahihigpitin pa ang pagmomonitor sa kalidad sa hangin, lupa at tubig.

Ikalima, buong-ingat na aalagaan ang mga sugatan, aaluin ang kamag-anakan ng mga nasawi at bibigyan sila ng kompensasyon.

Ikaanim, napapanahong isasapubliko ang mga impormasyon hinggil sa aftermath ng pangyayari.

Ikapito, iimbestigahan ang dahilan ng trahediya at paparusahan ang mananagot.

Naganap noong ika-12 ng buwang ito ang dalawang malakas na pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin kung saan nakaimbak ang mga delikadong kemikal.

Ayon sa pinakahuling datos, 114 katao ang namatay sa pangyayari. Halos 700 katao ang ginagamot sa hospital. Samantala, libu-libong mamamayang lokal at 1,700 bahay-kalakal ang apektado.

Tagapagsalin/editor: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>