Ipinatalastas kahapon ni Najib Razak, Punong Ministro ng Malaysia, na isasagawa ng kanyang bansa ang e-visa business para pasimplehin ang proseso ng pagpasok ng mga turista sa bansa. Aniya pa, maglalaan ang pamahalaan ng 80 milyong Ringgit o halos 186.2 bilyong dolyares, para mapalakas ang pagpapalaganap ng turismo nito sa ASEAN, Tsina, Indya, at iba pang bansa.
Ayon pa kay Najib Razak, mula unang araw ng Oktubre sa taong ito hanggang ika-31 ng Marso, 2016, para sa mga turistang Tsino na kasama sa group tour, hindi nila kailangan ang bisa para sa pagpasok sa Malaysia.
Salin: Andrea