Nakipag-usap kahapon sa Beijing si Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina sa kanyang Vietnamese counterpart na si Nguyen Xuan Phuc.
Positibo ang dalawang panig sa pagpapatuloy ng kanilang pagpapalitan sa mataas na antas, pagpapalakas ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapahigpit ng people-to-people exchange, pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan, pamamahala at pagkontrol sa alitan sa karagatan, para pasulungin ang pangmatagalan at matatag na pag-unlad ng estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan.
Dadalo rin si Nguyen Xuan Phuc sa ika-12 China-ASEAN Expo, na idaraos sa Nanning ng Guangxi Autonomous Region, Tsina.