Nag-usap kamakalawa sa Beijing si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina at kanyang Vietnamese counterpart na si Ho Xuan Son hinggil sa isyu ng hanggahan.
Ipinahayag ng dalawang panig na sinusuportahan nila ang pangangalaga sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at Vietnam, batay sa pagpapatupad ng komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang panig, pagpapasulong ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, maayos na pamamahala at pagkontrol sa alitan sa karagatan, at pagpapasulong ng kooperasyon sa magkasamang paggagalugad sa karagatan at sa purok-hanggahan sa lupa.