|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon sa Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing ang pagtitipon ng mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Ladies Circle (ALC). Tampok sa pagtitipon ng ALC ang sining biswal ng Pilipinas at dumalo ang mga kababaihang diplomata mula sa mga pasuguan ng ASEAN, kinatawan ng ASEAN-China Center at Beijing International Bilingual Academy.
Si Ambassador Erlinda F. Basilio
Sa kanyang mensaheng panalubong sinabi ni Ambassador Erlinda F. Basilio na sa pamamagitan ng sining biswal, hangad ng aktibidad na ibahagi ang yamang pangkultura ng Pilipinas. Aniya ang sining biswal ay sumasalamin sa iba't ibang tradisyon at malawak na impluwensya ng kulturang Pilipino. Ayon kay Ambassador Basilio yumayabong ang art scene sa Pilipinas at ang kominidad ng mga alagad ng sining ay masigla at utang ito sa mayamang kabihasnan ng bansa.
Si Peter Espina (kaliwa), Artistic Director ng Global Times at si Jensen Moreno (kanan), Visual Artist at Guro sa Beijing International Bilingual Academy
Inanyayahan ng pasuguan sina Peter Espina, Artistic Director ng Global Times at si Jensen Moreno, Visual Artist at Guro sa Beijing International Bilingual Academy para manguna sa isang salu-salo na hitik sa sining.
"Philippine Visual Arts at Its Best" -- tema ng pagtitipon ng ALC
Dalawang malalaking paintings ang prominenteng makikita sa lobby ng pasuguan. Ang mga ito ay likha ni Jensen Moreno, sa loob ng bulwagan kung saan ginanap ang ALC Tea Party, may ilan pa siyang mga art works na naka-display. Bago dumating sa Beijing, habang nasa Biyetnam aktibo si Jensen Moreno sa pagsusulong ng kooperasyon sa pagitan ng mga Pilipino at Biyetnames na alagad ng sining.
Ayon kay Peter Espina, ang lahat ng tao ay masining. Kaya bilang pagsubok sa talentong ito, ang lahat ng bisita ay inanyayahang i-drawing ang pinaka-magandang bagay ng kumakatawan sa kani-kanilang bansa.
Nahirang bilang best art work ang iginuhit na mga bulaklak ni Devie Iswara ng Pasuguan ng Indonesia.
Nahirang bilang best art work ang iginuhit na mga bulaklak ni Devie Iswara ng Pasuguan ng Indonesia. Ayon sa kanya ang ALC party ng Philippine Embassy ngayong taon ay kakaiba "It's very interesting especially when we came into this room and we saw big paintings and nice masterpiece from the painter. It's very unique."
Kinapanayam ni Mac Ramos ng CRI si Ambassador Magdalene Teo Art ng Brunei
Hilig ni Ambassador Magdalene Teo Art ng Brunei ang abstract art at malapit sa puso niya ang mga tema na tungkol sa kalikasan. Ibinahagi niya ang papel ng sining sa pakikipag-ugnayan, "Art is a form of expression. ASEAN has its own very rich tradition and heritage. With arts and different expressions it gives a voice to all of us in ASEAN, so it can definitely bring people closer together."
Mga bisitang sumali sa drawing contest
Ang ASEAN Ladies Circle ay binubuo ng lahat ng mga kababaihang naglilingkod sa mga pasuguan. Buwan-buwan ay may pagtitipon ang grupo. Kabilang sa kanilang mga aktibidad sa Tsina ay pagsuporta sa pagkakawanggawa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |