Sa isang news briefing na idinaos ngayong araw sa Beijing, isiniwalat ni Hong Tianyun, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap, na gaganapin sa Beijing sa ika-16 ng kasalukuyang buwan ang Mataas na Porum ng Pagbabawas ng Karalitaan at Pag-unlad sa 2015. Aniya, dadalo at bibigkas ng talumpati sa porum si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ang tema ng nasabing porum ay "Magkakasamang Pagsisikap para Mapawi ang Karalitaan at Maisakatuparan ang Komong Pag-unlad."
Ipinahayag ni Hong na upang maisakatuparan ang target ng pagbabawas ng kahirapan sa kanayunan sa taong 2020, idaraos ng Tsina, sa malapit na hinaharap ang isang serye ng aktibidad tungkol sa pagbibigay-tulong sa mahihirap.
Salin: Li Feng