|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Singapore ang ika-12 Pulong ng Magkasanib na Komisyon ng Bilateral na Kooperasyon ng Tsina at Singapore. Magkasamang nangulo sa pulong sina Zhang Gaoli, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangalawang Premyer ng Tsina, at Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore.
Ipinahayag ni Zhang na pumasok sa "New Normal" ang kabuhayang Tsino, at nasa masusing yugto naman ang Singapore sa malalimang pagpapasulong ng pagbabago at pag-u-upgrade ng kabuhayan. Nakahanda aniya ang Tsina na magkaloob ng mas maraming pagkakataon para sa mga bansa sa Asya at buong daigdig na kinabibilangan ng Singapore para mapasulong ang malusog at matatag na paglaki ng kabuhayang panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Teo Chee Hean ang kahandaang magsikap ang Singapore, kasama ng Tsina, para walang humpay na mapalalim ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't-ibang larangan.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |