Nagpalitan ng mensaheng pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na Singaporeano na si Tony Tan Keng Yam bilang pagdiriwang sa ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dawalang bansa.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Xi na bilang mapagkaibigang magkapitbansa, lumalalim ang relasyong Sino-Singaporeano at mabunga ang pagtutulungan sa iba't ibang larangan nitong 25 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa. Kasabay nito, mainam din ang kanilang pagpapalitan at koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Ipinadiinan ni Xi ang kanyang pagpapahalaga sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag din niya ang kanyang kahandahan na magsikap, kasama ni Pangulong Tan, para mapalalim ang pagtitiwalaang pulitikal at pragmatikong pagtutulungan at maiangat sa mas mataas na antas ang mapagkaibigang relasyong pangkooperasyon ng Tsina at Singapore.
Sa kanya namang mensahe, sinabi ni Pangulong Tan na nitong 25 taong nakalipas, walang-humpay na sumusulong ang bilateral na relasyon at humihigpit ang pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Pangulong Xi, para mapalawak ang pagtutulungan upang makapagkaloob ng mas maraming kapakinabangan para sa mga mamamayan ng Tsina't Singapore.
Nagpalitan din ng mensaheng pambati sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore. Nagpadala din ng mensaheng pambati sa isa't isa sina Pangalawang Premyer Zhang Gaoli ng Tsina at Pangalawang Punong Ministro Teo Chee Hean ng Singapore.