Mula noong ika-19 hanggang ika-23 ng kasalukuyang buwan, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Britanya. Sa okasyon ng pagtatapos ng biyaheng ito, isinalaysay ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang kalagayan ng biyaheng ito. Ipinahayag ni Wang na itinakda ng biyaheng ito ang bagong kalagayan ng relasyong Sino-Britaniko, at pinasimulan ang bagong siglo ng paglalagayan ng dalawang bansa.
Ani Wang, sa nasabing biyahe, isang beses na nag-usap sina Xi at Punong Ministro David Cameron ng Britanya, at narating nila ang mahalagang komong palagay. Ipinasiya aniyang ng dalawang panig na magkasamang itatag ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa sa ika-21 siglo. Ipinahayag ni Wang na ito ay isang estratehikong pagpili ng dalawang bansa na ginawa batay sa kani-kanilang pangmalayuang kapakanan ng bansa, at kapayapaan at kasaganaang pandaigdig.
Dagdag pa niya, nitong ilang araw na nakalipas, paulit-ulit na ipinahayag ni Cameron na ang Britanya ay nagsisilbing pinakamatatag na tagasuporta at pinakabukas na partner ng Tsina sa mga bansang kanluranin. Lubos itong pinapurihan ni Pangulong Xi, ani Wang.
Salin: Li Feng