Idaraos sa ika-8 ng buwang ito ang halalang pambansa ng Myanmar. Pinagtibay ng Lupong Elektoral na 6,721 katao mula sa 45 organo sa loob at labas na bansa ang magiging tagapagmasid ng halalan.
Kabilang sa 6,721 katao ang 202 tagapagmasid mula sa 3 organong pandaigdig, 6,261 mula sa 9 na organo ng bansa, 119 mula sa dayuhang media, at 139 mula sa media ng bansa.
Ayon sa nasabing lupon, dapat igalang at sundin ng nasabing mga inspector ang kasalukuyang batas ng Myanmar. Hindi sila puwedeng kumatig o tumutol sa aktibidad ng anumang partido o kandidato, at hindi dapat isahimpapawid ang kanilang sariling opinyon.
Salin: Andrea