Nang kapanayamin siya kahapon ng mga media ng Tsina na gaya ng Xinhua News Agency, at People's Daily, sinabi ni Huynh Vinh Ai, Pangalawang Ministro ng Kultura, Palakasan at Turismo ng Biyetnam, na ang gagawing dalaw pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang bansa ay magpapataas ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.
Sinabi pa niyang ang pagpapalitan sa kultura, palakasan at turismo ay mahalagang pundasyon ng pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam at makakabuti ang mga ito sa pagpapasulong ng pagkaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.